Call center agent tumalon mula 10th floor
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - January 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Natagpuang patay sa ikaapat na palapag ng gusali ang isang 27-anyos na lalaking call agent matapos umanong tumalon mula sa ika-10 palapag ng gusali na pinapasukan nito kahapon sa Makati City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Wilson Binauhan, may-asawa, call center agent sa Skykes Marketing Incorporated, na matatagpuan sa 5th Floor, Glorietta 1, Ayala Center ng naturang lungsod at nakatira sa #226 Calumpang Cerca, Indang, Cavite.

Batay sa ulat, dakong ala-1:20 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima na wala ng buhay ng ilan niyang kasamahan sa roof deck ng ikaapat na palapag ng Glorietta 1, Ayala Center ng naturang lungsod.

Hinihinalang mula sa non-smoking balcony, pantry area sa ika-sampung palapag ng naturang gusali posibleng tumalon ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng pulis­ya kung may foul play sa insidente.

ACIRC ANG AYALA CENTER BATAY CALUMPANG CERCA CAVITE GLORIETTA HINIHINALANG MAKATI CITY SKYKES MARKETING INCORPORATED WILSON BINAUHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with