Motorbike vs trike: 3 dedo, 4 sugatan
(Pang-masa) - January 3, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tatlo-katao ang bumulagta habang apat naman ang nasugatan makaraang magsalpukan ang motorsiklo at traysikel sa kahabaan ng highway sa Barangay Bato sa bayan ng Hinigaran sa Negros Occidental, ilang oras bago sumapit ang Bagong Taon.

Kinilala ang mga namatay na sina Aldrin Ambong, 19, driver ng motorsiklo, ng Barangay Bato; Joshua Amar, 15; at utol nitong si John Michael Amar, 11, mga nakatira sa Barangay Aranda.

Sugatang naman isinugod sa ospital ang mga biktimang sina Jennifer Amar, 20, trike driver; dalawang pamangking nitong 13 at 15-anyos; at ang motorcycle rider na si James Genevota, 25.

Ayon kay P/Chief Insp. Lino Dalisay, hepe ng Hinigaran PNP, nag-overtake ang motorcycle ni Ambong sa sinundang sasakyan subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalpukan naman ang kasalubong na traysikel noong Huwebes ng gabi.

Wala namang kasong naisampa kay Ambong dahil namatay na ito subalit umaapela ang pamil­ya Amar ng financial assistance sa mga kaanak ni Ambong. Freeman News Service

ALDRIN AMBONG AMBONG ANG BAGONG TAON BARANGAY ARANDA BARANGAY BATO CHIEF INSP FREEMAN NEWS SERVICE HINIGARAN JAMES GENEVOTA JENNIFER AMAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with