^

Police Metro

Pawnshop inatake ng termite gang

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa mahigit P3 milyong halaga ng mga alahas at pera ang natangay sa isang pawnshop sa Quezon City makaraang pasukin ito ng “Termite gang”, kahapon. Base sa reklamo ng manager ng pawnshop na si Delia Mansuco, 57, ang napasok ng grupo ay ang Casqueso pawnshop na matatagpuan sa no. 47 15th A­venue, Barangay Socorro sa lungsod na nadiskubre ang pagnanakaw ng caretaker nito na si Rammy Calanuga, ganap na alas-7:30 ng umaga kahapon.

Bago ito, alas-6:30 ng gabi noong Dec. 30, 2015 ay iniwan umano niyang nakakandado ang shop na walang nagbabantay at pagsapit ng nasabing araw, pagpasok ni Calanuga sa shop ay nakita na lang nito sa loob ang isang butas sa sahig na may malalim na hukay at nagkalat din ang mga gamit dito. Sa pagsisiyasat ng pulisya, tulad ng dating modus operandi ng Termite gang ay naghukay ng malalim ang mga suspek ilang metro ang layo mula sa isang imburnal para gawing tunnel patungo sa target nilang pawnshop.

ACIRC

ANG

BARANGAY SOCORRO

CALANUGA

CASQUESO

DELIA MANSUCO

ISANG

PAWNSHOP

QUEZON CITY

RAMMY CALANUGA

TINATAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with