_pang-masa
^

Police Metro

Bulgarian National timbog sa skimming device

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga otoridad ang isang Bulgarian National dahil sa pagkakabit ng skimming device para makuha ang mga data sa ATM card ng isang kliyente ng isang bangko sa Quezon City.

Ang suspek ay kinilalang si Dobromir Rusev Iliev, Bulgarian national, 35, binata ng Malate, Manila.

Batay sa ulat, bago nadakip ang suspek dakong alas-10:35 ng gabi noong Disyembre 30 ay nagpunta ito sa isang ATM booth ng isang bangko na matatagpuan sa Scout Lascano St. kanto ng Tomas Morato Avenue, Brgy Sacred Heart at ikinabit ang skimming device sa makina para makuha ang data ng kliyente ng bangko.

Nakita ng isang opisyal ng bangko ang ginawa ng suspek dahilan para imonitor na ang bawat galaw nito at  humingi ng ayuda sa tanggapan ng PS10.

Ganap na alas-12: 40 ng madaling araw nang tangkain ng dayuhan na kunin ang skimming device sa makina ay doon na siya inaresto ng mga rumespondeng otoridad.

Nasamsam mula sa suspek ang skimming device, isang memory chip, dalawang piraso ng cloned cards, isang I Phone, isang Swiss Knife, isang bag-pack at isang cap. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8792 (E-Commerce Act) at Disobedience to a Person in Authority.

ANG BRGY SACRED HEART BULGARIAN NATIONAL DOBROMIR RUSEV ILIEV E-COMMERCE ACT I PHONE ISANG QUEZON CITY SCOUT LASCANO ST. SWISS KNIFE TOMAS MORATO AVENUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with