^

Police Metro

Sinindihan, niyakap... mister utas sa ‘Goodbye Philippines’

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Wasak ang panga ng isang 45-anyos na mister nang yakapin nito ang sinindihang paputok na “Goodbye Philippines” habang sinasalubong ang Bagong Taon kahapon sa Sta. Mesa, Maynila.

Ang nasawi na nagtamo ng pinsala sa mukha at leeg at inatake pa sa puso ay kinilalang si Ro­nald Vericio, sidecar boy, may-asawa at residente ng Buenos Aires St., Sta. Mesa, Maynila.

Sa pahayag ng misis ng biktima na si Kristina Serrano, bago nangyari ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling araw ay lasing na lasing na ang kaniyang mister kaya ayaw na niya itong palabasin. Binawalan na rin niya na ito ay magpaputok sa labas subalit tumakas ito at nakisali sa pagpaputok ng mga kapitbahay.

Nakita itong nagsindi ng paputok na “Goodbye Philippines” na kanyang niyakap at pumutok sa kaniyang mukha.

Mabilis dinala sa Ospital ng Sampaloc subalit inilipat sa Ospital ng Maynila dahil sa tindi ng kondisyon.

Nabigo naman ang mga manggagamot sa Ospital ng Maynila na isalba ang buhay ng biktima at bago mag-alas-2:00 ng madaling araw ay namatay ito.

Nag-waive na ang pamilya ng biktima na paimbestigahan pa ang kaso dahil aksidente lamang ang pagkamatay ng biktima.

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

BINAWALAN

BUENOS AIRES ST.

GOODBYE PHILIPPINES

KRISTINA SERRANO

MABILIS

MAYNILA

NABIGO

OSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with