Iginapos muna bago sinaksak... Misis sinilaban ni mister
Mer Layson (Pang-masa) - December 26, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Brutal ang ginawang pagpatay ng isang mister sa kanyang misis na iginapos sa haligi ng kanilang bahay saka pinagsasaksak bago sinilaban naganap kahapon ng umaga sa Cainta, Rizal, kahapon ng umaga.

Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktima na si Lolita Contiga nang ito ay makuha dahil sa pagkasunog ng mukha at katawan habang nakagapos sa haligi ng kanilang bahay na matatagpuan sa Block 5, Anak Pawis St., Barangay San Juan, Floodway, Cainta, Rizal.

Tumakas ang suspek na kinilalang si Joel Contiga, nasa hustong gulang, sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog matapos maisagawa ang krimen.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya at Bureau of Fire Protection, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:30 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-asawang Contiga ay narinig ng ilang kapitbahay ang pag-aaway ng mag-asawa.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-aaway at sigawan ng mag-asawa ay tumahimik na nang bigla na lamang nag-apoy ang loob ng kabahayan.

Mabilis na kumalat ang apoy at nasa 15 bahay ang nadamay sa sunog at itinaas sa 1st alarm ang sunog na nasa 30-45 pamilya ang nawalan ng bahay.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad ay nakita na ang biktima na may mga tama ng saksak ang buong katawan nito at hinala na iginapos muna ang ginang bago sinaksak at silaban ang bahay upang itago sana ang krimen.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong arson at parricide.

ANAK PAWIS ST. ANG BAHAY BARANGAY SAN JUAN BATAY BUREAU OF FIRE PROTECTION CAINTA CONTIGA JOEL CONTIGA LOLITA CONTIGA RIZAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with