^

Police Metro

Chinese trader nasagip, 5 kidnaper timbog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matagumpay na nasagip ng mga otoridad ang isang Chinese trader at naaresto ang limang pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng kidnap for ransom (KFR) sa isinagawang rescue operations sa Matnog Ferry Terminal sa Matnog, Sorsogon.

Sa pulong-balitaan sa  Camp Crame, kinilala ni PNP Anti–Kidnapping Group (PNP-AKG)Director P/Sr. Supt. Roberto Fajardo, ang mga nasakoteng suspek na sina Marlon Altizo, Jemmel Cinco, Rolly Falcon, Drackilou Falcon at Abigail Lapinid.

Nailigtas naman sa operasyon ang dinukot nilang biktima na si Giovanni Rossano Tan.

Sinabi ni Fajardo na nitong Martes ng hapon ay nasagip ng mga operatiba ng PNP-AKG ang biktimang si Tan sa isinagawang operasyon sa nasabing terminal at naaresto ang mga suspek na  lulan ng kulay puting Mitsubishi Adventure (ABD -6572).

Kabilang sa nasamsam sa mga suspek ay ang isang baby armalite rifle, isang M16 rifle, isang KG 9 machine pistol, isang caliber .45 pistol,  isang cal 9 MM, mga bala ng nasabing armas, isang unit ng two-way radio, isang piraso ng plate number (ALA 8869) at ang behikulong ginamit ng mga suspek.

Nabatid na si Tan, may-ari ng Tarlac Sentra Piggery Farm  sa Tarlac City na dinukot ng mga suspek noong Disyembre 10, 2015.

Bago nasagip ang suspek  ay namataan ng PNP-AKG operatives ang nasabing Mitsubishi Adventure  sa CCTV habang bumibiyahe sa Agusan del Norte patungong Samar –Manila via Matnog, Sorsogon.

Samantala, pinalaya naman ng mga kidnaper kamakalawa ang isa pang kidnap victim na si Michelle Ng matapos na magbayad ng inisyal na ransom demand ang pamilya nito sa kaniyang mga abductors sa pamamagitan ng money remittance.

Ang biktima ay dinukot ng KFR gang sa Brgy. Doña Imelda, Quezon City noong Disyembre 17, 2015  at sa follow-up operation ay nasakote naman ang isa sa mga suspek na si Maribel Bucala.

ABIGAIL LAPINID

ANG

CAMP CRAME

DIRECTOR P

DISYEMBRE

DRACKILOU FALCON

GIOVANNI ROSSANO TAN

ISANG

JEMMEL CINCO

MGA

MITSUBISHI ADVENTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with