^

Police Metro

Mag-utol tugis sa Ortigas road rage murder

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkapatid ang natukoy ng pulisya na bumaril at nakapatay sa driver ng van na si Richard Tuazon sa ibabaw ng tulay sa Ortigas Avenue, Pasig City dahil sa away-kalsada  kamakailan.

Natukoy ng pulisya ang magkapatid na sina Nor Faisal Mohammad, 24 at Tameme Magumnang Mohammad, 18, pawang residente ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City makaraang marekober ang  itim na Toyota Innova (APA-9824) na sinakyan ng mga ito nang maganap ang ‘road rage.

Nabatid ng EPD sa Land Transportation Office (LTO) na nakarehistro sa isang Ali N. Amer, residente ng No. 240 Marigold Garden, Garden Royal Villas, Bgy. Pinagbuhatan, Pasig City ang nasabing Innova.

Lumalabas na si Nor ang nagmamaneho ng Innova ng makagitgitan nito ang minamaneho ng biktima na L-300 van sa ibabaw ng Rosario Bridge noong Disyembre 10, 2015 bandang alas-11:50 ng tanghali.
Bumaba si Nor kabuntot ang nakababatang kapatid na si Tameme.

Sinuntok ni Nor ang biktima habang  binaril naman ni Tameme ng limang beses ang biktima na na­ging dahilan ng kamatayan nito.

Patuloy ang pagtugis ng mga otoridad sa magkapatid na killer.

ALI N

ANG

BARANGAY PINAGBUHATAN

GARDEN ROYAL VILLAS

INNOVA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MARIGOLD GARDEN

NOR FAISAL MOHAMMAD

ORTIGAS AVENUE

PASIG CITY

RICHARD TUAZON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with