Misis todas sa lasenggerong mister
Joy Cantos (Pang-masa) - December 14, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Tuluyan nang pinatahimik ng isang mister ang kanyang misis nang ito ay kanyang barilin sa ulo sa gitna ng kanilang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Sta. Catalina, Binalonan, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Sabog ang ulo at namatay noon din ang 27-anyos na ginang na si Merilyn Romero.

Ang suspek na mister nito na kinasuhan ng  parricide ay kinilalang si Jeffrey Romero, 31-anyos, tricycle driver.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:00 ng gabi ay lasing na umuwi ng bahay ang suspek na sinita ng biktima kaya’t nagkaroon ng pagtatalo.

Kinuha ng suspek ang  kanyang baril at tinutukan ng baril sa ulo ang kaniyang misis at kinalabit nito pero hindi pumutok matapos na bumara ang bala.

Sa ikalawang pagkakataon ay kinalabit muli ng suspek ang kaniyang baril at pumutok ito at duguang bumulagta ang nasabing misis.

Lumalabas sa imbestigasyon na madalas mag-away  ang mag-asawa dahil sa pagiging lasenggero ng mister.

Nagresponde naman sa lugar ang mga operatiba ng pulisya at inaresto ang suspek kung saan nasamsam sa pag-iingat nito ang cal. 38 revolver   na ginamit sa krimen.

ANG BATAY BINALONAN BRGY JEFFREY ROMERO KINUHA LUMALABAS MERILYN ROMERO NAGRESPONDE NBSP PANGASINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with