_pang-masa
^

Desperadong kasambahay, nagbigti

Joy Cantos (Pang-masa) - December 12, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dahil umano sa matinding depresyon, isang 16-anyos na dalagitang kasambahay ang nagpakamatay matapos itong magbigti sa loob ng bahay ng pamilyang kaniyang pinagsisilbihan sa Barangay Tierra Alta, bayan ng Taal, Batangas kamakalawa.

Kinilala ang nag-suicide na si Melody Laurente ng Bagong Ilaya sa bayan ng General Luna, Quezon at naninilbihan sa bahay ng kaniyang amo sa nasabing barangay.

Sa ulat ng Batangas PNP, dakong ala-1:15 ng hapon nang madiskubre ang nakabigting biktima sa kisame ng kusina ng bahay na pag-aari ni Harvey Villalon na pinagsisilbihan ng biktima.

Nagawa pang maisugod sa Taal Polymedic Hospital ang biktima pero idineklarang patay. Isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang nasabing insidente.

BAGONG ILAYA BARANGAY TIERRA ALTA BATANGAS DAHIL GENERAL LUNA HARVEY VILLALON ISINASAILALIM KINILALA MELODY LAURENTE NAGAWA TAAL POLYMEDIC HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with