_pang-masa
^

Police Metro

4 pulis sa tanim-bala scam nasibak na sa puwesto

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matagal ng nasibak sa puwesto ang apat na PNP- Aviation Security Group na guilty sa inilabas na resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kontrobersyal na tanim-bala scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinumpirma ni PNP -ASG spokesperson P/Chief Inspector Samuel Hojilla na noon pang nakalipas na Nobyembre nasibak ang apat na pulis.

Kabilang sa mga nasibak ay sina P/Insp. Adriano Junio, SPO4 Ramon Bernardo, SPO2 Romy Navarro at si SP02 Rolando Clarin.

“Sa katunayan ay unang nasipa sa puwesto si P/Insp. Junio noong Nobyembre 7 habang ang tatlo pang enlisted personnels ay noong Nobyembre 13,” pahayag ni Hojilla

Samantala, una na ring sinibak sa puwesto ni PNP-ASG Director P/Chief Supt. Francisco Balagtas at ang 21 nitong tauhan dahil naman sa kabiguang i-report ng tama ang bilang ng mga naaresto sa paliparan matapos na mahulihan ng bala.

Sa rekord ng NAIA-OTS ay aabot sa 1, 212-katao ang nasakote sa tanim-bala simula Ene­ro hanggang Setyembre 2015 pero sa tala ng PNP- ASG ay umabot lamang ito sa 51-katao.

Inamin naman ni Hojilla na apektado ang kanilang hanay sa nasabing iskandalo pero sa kabila nito ay tuloy pa rin ang pagbibigay seguridad sa terminal ng NAIA.

ADRIANO JUNIO ANG AVIATION SECURITY GROUP CHIEF INSPECTOR SAMUEL HOJILLA CHIEF SUPT DIRECTOR P FRANCISCO BALAGTAS HOJILLA NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT NOBYEMBRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with