Shootout: 2 drug peddler bulagta
Mer Layson (Pang-masa) - December 12, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Bulagta ang dalawang notoryus na drug peddler matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na PNP checkpoint sa bayan ng San Mateo, Rizal kahapon ng madaling araw.

Hindi pa nabatid ng pulisya ang pagkakakilanlan sa dalawang napatay na may edad 25 hanggang 30, kapwa kayumanggi, may taas na 5’5 at 5’6.

Ayon kay P/Supt. Ruben Marte Piquero, hepe ng San Mateo PNP, dakong alas-3 ng mada­ling araw nang ilatag ang checkpoint sa kahabaan ng C-6 Road sa Barangay Gitnang Bayan Uno.

Base sa police report, dumaan ang dalawa na lulan ng motorsiklo sa checkpoint kung saan tinangkang parahin ng pulisya pero sa halip na huminto ay pinutukan ang mga nagbabantay kaya sumiklab ang barilan.

Hinabol ng mga pulis ang dalawang nakamotorsiklo kung saan sumiklab ang shootout hanggang sa bumulagta ang dalawa.

Narekober ang da­lawang cal. 38 revol­ver, limang plastic sachet ng shabu, ilang drug paraphernalia at ang motorsiklo na walang plaka habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ACIRC ANG AYON BARANGAY GITNANG BAYAN UNO BULAGTA HINABOL NAREKOBER NBSP RIZAL RUBEN MARTE PIQUERO SAN MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with