Kawani ng city hall, itinumba
Joy Cantos (Pang-masa) - December 9, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Bumulagta ang 50-an­yos na kawani ng city hall matapos itong pagbabarilin  ng riding-in-tandem gunmen sa gilid ng highway sa Dagupan West, Tabuk City, Kalinga kamakalawa.

Idineklarang patay sa Saint Peter Claver Hospital ang biktimang si Oscar Gunday, kawani ng Tabuk City Hall. Sa ulat ng Cordillera PNP, naitala ang krimen  bandang alas-8:25 ng umaga.

Base sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ang biktima ng traysikel nang sundan at ratratin ng gunmen pagsapit sa nasabing lugar.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero idineklarang patay dahil sa apat na tama ng bala sa dibdib, isa sa panga at kanang siko.

Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.

ACIRC ANG BUMULAGTA DAGUPAN WEST IDINEKLARANG KALINGA NAGAWA OSCAR GUNDAY SAINT PETER CLAVER HOSPITAL TABUK CITY TABUK CITY HALL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with