Poe mahihirapan na mabaligtad ang desisyon ng Comelec-legal experts
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - December 4, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nagkaisa ang opinyon ng tatlong legal experts sa pagsasabing mahihirapan si Senator Grace Poe na baligtarin ang naging  desisyon ng Commission on Elections (Comelec)  kung saan siya diniskuwalipika sa pagtakbo nito sa 2016 elections.

Ayon kay election lawyer Romulo Macalintal may basehan  ang naging desisyon ng Comelec 2nd Division lalo pa’t inamin ni Poe  anim na taon at anim na buwan pa lamang siyang naninirahan sa Pilipinas nang siya ay maghain  ng kanyang certificate of candidacy noong May 2013 elections.

Hindi naman nakikita ni litigation lawyer Raymond Fortun na babaligtarin nina  Comelec Commissioners Al Parreno, Arthur Lim, at Sheriff Abas  na pawang mga miyembro ng  Second Division  ang  diskuwalipikasyon.

Ayon naman kay poll lawyer Carlo Vistan na ang  COC ni  Poe noong  2013 ay maituturing na “admission against her interest” kaya’t imposible na  nitong mabaligtad ang  desisyon ng  Comelec 2nd division.

Sa ruling ng Comelec, pinaboran nito  ang petisyon  ni Atty.Estrella Elamparo na nagkukuwestiyon sa residency ni Poe at nagsasabing hindi  pa nito nakukuha ang kanyang 10-year residency na isinasaad ng Constitution para sa isang presidential candidate. 

Ayon pa sa tatlong legal experts na  kailangan ni Poe na maglabas ng bagong ebidensiya upang  makumbinsi ang Comelec en banc upang mabaligtad ang desisyon.

ANG ARTHUR LIM AYON CARLO VISTAN COMELEC COMELEC COMMISSIONERS AL PARRENO ESTRELLA ELAMPARO NBSP RAYMOND FORTUN ROMULO MACALINTAL SECOND DIVISION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with