Kulong ng 6-12 taon... Pemberton guilty sa homicide
Doris Borja, Joy Cantos (Pang-masa) - December 1, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Guilty verdict ang inihatol kahapon ng korte laban kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa kasong homicide sa pagpatay sa  Pinay transgender na si Jennifer Laude.

Ibinaba ni Judge Roline Ginez-Jabalde ng  Olongapo City Regional Trial Court’s Branch 74 ang  guilty verdict at sinentensiyahan si Pemberton nang pagkakulong ng  6 taon hanggang sa 12 taon.

Inatasan din ng korte si Pemberton na bayaran ang mga naulila ni  Laude ng  P4.32 milyon dahil sa pagkawala ng kita, P155,250 bilang reimbursement para nagastos sa burol at libing at P50,000 para sa moral damages.

Si Pemberton ay kinasuhan ng  murder, subalit ibinaba ito ng korte sa kasong homicide dahil sa hindi nakitaan ng iba’t ibang mga pangyayari.

Bago ibinaba ang hatol ay inisa-isa ng clerk of court ang mga nakalap na datos na tumagal ng halos dalawang oras.

Dapat sana ay noong Nobyembre 24 ang pro­mulgation ngunit dahil sa ilang proseso, itinakda ito ngayong Disyembre 1, 2015 dahil hindi maaaring lumagpas ng isang taon sa korte ang kaso base na rin sa kasunduan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Batay sa record, natagpuang  patay si Laude na nakalublob ang  ulo sa loob ng  toilet bowl sa banyo ng Celzone Lodge sa Olongapo City  noong October 11, 2014 na kung saan ay huling nakita ang  biktima na kasama si Pemberton na pumasok sa nasabing kuwarto matapos ang inuman sa  kalapit na bar.

Inamin  ni Pemberton sa mga hearing na sinakal at  niloblub niya si  Laude sa toilet bowl matapos ang pagtatalik, subalit buhay pa ito nang  iwan niya at nadismaya ito nang  malamang hindi babae ang kanyang  nakatalik.

ANG CELZONE LODGE ESTADOS UNIDOS JENNIFER LAUDE JUDGE ROLINE GINEZ-JABALDE MARINE LANCE CORPORAL JOSEPH SCOTT PEMBERTON NBSP OLONGAPO CITY OLONGAPO CITY REGIONAL TRIAL COURT PEMBERTON SI PEMBERTON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with