^

Police Metro

Away sa parking space: 3 patay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong katao ang nasawi kabilang ang isang magkapatid habang isa ang malubhang nasu­gatan matapos na sila ay pagbabarilin ng kanilang kapitbahay dahil lang sa away sa parking space sa kanilang subdivision kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Nicolas 1, Bacoor City.

Ang mga nasawi ay ang magkapatid na sina Zenaida at Enrico Pascua, kapwa nasa hustong gulang at kaptibahay na si Felix Tongco, nasa hustong gulang kapwa residente ng Ecotrend Subdivision ng nasabing barangay. Habang malubhang nasugatan ang kapitbahay na si Teresita Bolves, nasa hustong gulang.

Ang suspek ay kinila­lang si Hansel Gallo, nasa hustong gulang at kapitbahay ng mga biktima.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa mga biktima ganap na alas-2:30 ng hapon sa nasabing subdivision ay laging nagtatalo ang mga biktima at suspek tungkol sa parking space dahil hindi nakakaparada ang kanilang mga sasakyan.

Sa kalagitnaan ng mainitang pagtatalo ay napikon ang suspek at kinuha ang dalang baril na kalibre 45 sa bewang at pinagbabaril ang mga biktima.

Nang bumulagta ang mga biktima ay tumakas ang suspek  habang ang mga una ay dinala sa ospital, subalit namatay ang tatlo.

 

ACIRC

ANG

BACOOR CITY

BATAY

ECOTREND SUBDIVISION

ENRICO PASCUA

FELIX TONGCO

HANSEL GALLO

MGA

SAN NICOLAS

TERESITA BOLVES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with