_pang-masa
^

Truck nanuwag: 3 utas

Ed Casulla (Pang-masa) - November 28, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang nasawi habang walo ang nasugatan nang suwagin ng isang truck ang tatlong sasak­yan sa kahabaan ng National Highway, Barangay Busay, Daraga, Albay kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Carol Lopez; Tomas Tognopo; isang Italian national na dri­ver ng Montero at isang alyas Juvan, pahinante ng truck.

Ang nasugatan ay dinala sa mga iba’t ibang pagamutan sa Legazpi City.

Batay sa  ulat ng pu­lisya, dakong alas-2:20 ng hapon nang mangyari ang aksidente ng ang truck (WKC – 634) na mimamaneho ni Samson Loterte nang mawalan ito ng kontrol sa manibela at nasuwag ang isang pampasaherong jeep (EVR-343) na minamaneho ni Warren Magdasoc at Montero na minamaneho ni Togpolo sakay si Lopez at Isuzu Wing van (HUR-841) na mimamaneho ni Efren Bacosa.

Namatay noon din sa loob ng kanilang sasakyan sina Togpolo at Lopez habang ang driver ng truck na si alyas Juvan ay namatay din nang maipit ito.

Nahaharap sa patung-patong na kaso si Loterte na kasalukuyang nasa kostudya ng pulisya.

ACIRC ANG BARANGAY BUSAY CAROL LOPEZ EFREN BACOSA ISUZU WING JUVAN LEGAZPI CITY LOPEZ NATIONAL HIGHWAY SAMSON LOTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with