Lover may iba, mister nagbigti
Francis Elevado (Pang-masa) - November 25, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hindi matanggap ng isang mister ang balita na may kabit ang kanyang live-in partner kaya’t sa  sama ng loob ay nagawa nitong magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa Purok 4, Brgy. Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, bandang alas-10:00 ng gabi nang matagpuan ang biktima na kinilalang si Alberto Alpa, tubong Unisan, Quezon na  nakabigti.

Bago ito, isang Reynaldo Rubi ang maghahatid sana ng hapunan sa biktima nang katukin ang bahay ay walang nagbubukas.

Kaya’t sumilip ito at nakita ang biktima na nakabigti.

Bago ang pagpapakamatay ng biktima ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo noong Nobyembre 15, 2015 ng kinakasamang si Jennifer Artista, 23 tungkol sa balita na may iba itong lalaki.

Pinabulaanan ito ni Jennifer  at sa galit ay nilayasan ang biktima na labis na dinamdam ng biktima.

ALBERTO ALPA ANG BATAY BIKTIMA BRGY CAMARINES NORTE JENNIFER JENNIFER ARTISTA KAYA LABO REYNALDO RUBI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with