2 nag-iinuman todas sa saksak
Danilo Garcia (Pang-masa) - November 23, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang lalaki na nag-iinuman habang isa ang nasa kritikal na kalagayan nang sila ay pagsasaksakin ng grupo ng kalalakihan na sumugod sa kanilang lugar kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina  Heber Florita, alyas “Totong”, 42, may-ari ng junkshop, at Jerry Abellano, 45. Habang nasa kritikal na kalagayan si Jerome Rivera, 23.

Nadakip ang mga suspek na sina Marcus Gumapas, 41; anak na si Marvin,17; Reynold Labayo, 23, at Salvador Salve, 23.

Sa ulat, nag-iinuman ang tatlong biktima sa Interior Pilapil Sanciongco St., dakong alas-12:05 ng madaling araw nang utusan ni Abellano ang anak-anakan na si Rivera na bumili ng sigarilyo at nasalubong ang apat na suspek na armado ng patalim.

Nagtatakbo si Rivera na hinabol ng mga suspek at dito na inupakan ng saksak ang mga biktima.

 

 

ABELLANO ANG HEBER FLORITA INTERIOR PILAPIL SANCIONGCO ST. JEROME RIVERA JERRY ABELLANO MALABON CITY MARCUS GUMAPAS REYNOLD LABAYO RIVERA SALVADOR SALVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with