Nag-bomb joke sa LRT, kalaboso
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - November 19, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Bagsak sa kulungan ang isang tsuper nang ito ay arestuhin matapos itong magbiro na may bomba ang kanyang dalang  bag  dahilan upang mag-panic ang mga pasahero sa istasyon ng Light Rail Transit (LRT) 1 sa Pasay City kahapon ng umaga.

Ang suspek na nasa kustodyan na ng pulisya ay kinilalang si Rudy Gaid Jr., 35, may asawa, nakatira sa #5527-B, panulukan ng Dallas at  Binay Sts., Barangay Bangkal, Makati City.

Sa ulat, bago inaresto ang suspek dakong alas-6:05 ng umaga sa EDSA Station LRMC Line-1 ng lady guard na si Jenesa Pradilla ay dumaan si Gaid na may dalang bag at nagsisigaw ito na may lamang bomba ang kanyang bag, dahilan upang magtakbuhan ang mga pasahero ng LRT sa takot. Subalit, nang malamang nagbibiro ang suspek, ay dinakip ito ni Pradilla at dinala sa himpilan ng pulisya at inihahanda na ang kasong isasampa dito.

ANG BAGSAK BARANGAY BANGKAL BINAY STS GAID JENESA PRADILLA LIGHT RAIL TRANSIT MAKATI CITY PASAY CITY PRADILLA RUDY GAID JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with