Army vs NPA: 1 sundalo todas, 5 nasugatan
Joy Cantos (Pang-masa) - November 7, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang Army trooper ang nasawi habang lima nitong kasamahan ang nasugatan nang makasagupa ang mga rebeldeng  New People’s Army kama­kalawa sa Upper Suyan, Malapatan, Sarangani.

Pansamantala munang hindi tinukoy ni Captain Alberto Caber, spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Command ang pagkakakilanlan ng nasawing sundalo dahilan kailangan pang impormahan muna ang pamilya nito.

Ang limang nasugatan ay dinala na sa military hospital para malapatan ng lunas.

Batay sa ulat, nag­responde ang tropa ng Army’s 73rd Infantry Battalion sa lugar kamakalawa ng hapon matapos na makatanggap ng report hinggil sa armadong presensya ng mga rebelde na nangingikil sa mga residente.

Paparating pa lamang ang mga sundalo nang paulanan ng putok ng mga rebelde na ginawang kalasag ang ilang mga residenteng naninirahan sa lugar at dito ay napatay ang isang sundalo at pagkasugat ng limang iba pa.

ACIRC ANG BATAY CAPTAIN ALBERTO CABER EASTERN MINDANAO COMMAND INFANTRY BATTALION ISANG MALAPATAN MGA NEW PEOPLE UPPER SUYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with