ERC sinuri ang petisyon na rate increase ng OEDC
Randy V. Datu (Pang-masa) - November 5, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nagsagawa ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng isang public hearing upang suriin ang aplikasyon na isinumite ng Olongapo Electricity Distribution Company (OEDC) para sa pagtaas ng singil nito.

Ipinaliwanag ng OEDC na ang power rate na gamit sa pagsingil nila ay nakabase pa rin sa rate ng dating power operator na Olongapo City Public Utilities Department (OCPUD) na hindi na akma sa kasalukuyang gastusin sa serbisyo.

Ayon sa OEDC na naisakatuparan na nito ang pagsasaayos ng sistema ng power supply sa lungsod tulad ng system loss mula 37% nang i-take-over nito ang PUD ay naibaba sa 8.5% ang ibinababa pa.

Sa kabila ng maraming pagbabago at pagsasaayos sa sistema, ang kasalukuyang distribution rate ay nananati­ling P0.62/kwhr na aprubado ng ERC para sa PUD noong pang 2000 na lubhang mababa kumpara sa ibang distribution utilities sa Luzon.

Bagama’t nagpahayag ng pangamba ang mga lider ng bawat organisasyon, residente, at mga negosyante ay sinabi ng ERC na pag-aaralan nilang mabuti ang petis­yon at tinitiyak na ang desisyon ay para sa ikabubuti ng magkabilang panig.

ACIRC ANG AYON BAGAMA DISTRIBUTION ENERGY REGULATORY COMMISSION IPINALIWANAG LUZON NAGSAGAWA OLONGAPO CITY PUBLIC UTILITIES DEPARTMENT OLONGAPO ELECTRICITY DISTRIBUTION COMPANY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with