Alcala, Drilon damay din.. P-Noy, Abad, kinasuhan muli sa PDAF at DAP
Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 30, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Muli na namang sinampahan ng panibagong kaso si Pangulong Noynoy Aquino at Budget Secretary Butch Abad kaugnay ng umanoy ma­ling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) and Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ang kaso ay isinampa kahapon ni dating  Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) chief at  presidential aspirant Augusto Syjuco Jr. kahapon sa tanggapan ng Ombudsman.

Bukod kina Pangulong Aquino at  Abad ay kasama rin sa kaso sina Agriculture Secretary Proceso Alcala at Se­nate President Franklin Drilon.

 Ayon kay Syjuco, may kabuuang P14.4 bil­yon ang ginamit ng DA sa mga kuwestyonableng programa at proyekto ng ahensiya tulad ng farm-to-market roads, credit finan­cing para sa  livestock sector at financial assistance para sa mga commercial crops.

Ang reklamo ay ibinase ni Syjuco, sa  annual audit reports ng Commission on Audit (COA).

ACIRC AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA ANG AUGUSTO SYJUCO JR. BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM PANGULONG AQUINO PANGULONG NOYNOY AQUINO PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND SYJUCO TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with