^

LTFRB sinimulan ang Oplan Sita

Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 26, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Sorpresang nagsagawa nang inspeksyon ang mga tauhan ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus terminals sa Pasay City kahapon ng umaga bilang paghahanda sa nalalapit na Undas 2015

Ayon kay Atty. Winston Ginez, chairman ng LTFRB na  ilang bus terminals ang nakitaan nila ng mga paglabag sa batas at patakaran ng ahensiya tulad ng kawalan ng maayos na ventilation ng terminal, may bayad ang paggamit ng CR at walang maayos na akomodasyon at pasilidad  para sa mga pasahero.

Ilan din sa mga bus na papaalis na sana ang pinigil ng grupo ng LTFRB dahil kalbo ang mga gulong ng sasakyan at  sobrang upuan o jamp seater na nakita sa mga pinuntahang terminals na  Victory Liner, Super 5 Bus Line, Elavil, at DLTB.

Lahat ng nasita na may violations ay padadalhan ng notice o pagbabayarin ng karampatang multa at yung iba ay mabibigyan ng cease and desist order.

Magpapatuloy anya, ang mga surprise inspection upang matiyak ang safety at roadworthy ng mga bus  para sa kaligtasan ng mga mananakay sa panahon ng Undas.

 

ACIRC ANG AYON BUS LINE LAND TRANSPORTATION FRANCHI MGA PASAY CITY REGULATORY BOARD UNDAS VICTORY LINER WINSTON GINEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with