Pulis, 5 pa timbog sa shabu
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - October 20, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis at limang kasama nito ang nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation  na humantong sa pagkakadiskubre ng isang drug den sa North Cotabato.

Ang mga suspek ay kinilalang sina PO1 Kim Ledesma, 29, nakatalaga sa Aleosan Municipal Police Station; Efren Villacura, 51; Bingkoy Sarueda, 25; Jomar Seba, 18; Ishmael Talaman, 27, at Junbert Catalan, 35.

Batay sa ulat,nakipagtransaksiyon ang isang undercover agent ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12) na nagpanggap na poseur buyer at bibili ng isang sachet ng shabu kay PO1 Ledesma.

Nang magkita sa isang bahay sa Purok Santol, Poblacion 1, Midsayap, North Cotabato, ganap na alas 9:45 ng umaga at iniabot na ang droga ay dito na inaresto si PO1 Ledesma.

Mula dito ay natuklasan na ang bahay ay ginagamit na drug den at naaresto ang limang iba pa na ang tatlo ay menor de edad.

Nasamsam sa drug den ang 13 piraso ng plastic sachets ng shabu na may timbang na higit sa limang gramo at nagkakahalaga ng P37,500, at mga drug paraphernalia.

ALEOSAN MUNICIPAL POLICE STATION ANG BINGKOY SARUEDA DRUG ENFORCEMENT AGENCY EFREN VILLACURA ISHMAEL TALAMAN JOMAR SEBA JUNBERT CATALAN KIM LEDESMA LEDESMA NORTH COTABATO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with