DOJ iimbestigahan ang kaugnayan ni Mercado sa Reyes brothers
Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 6, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Nakatakdang siya­satin ng Department of Justice (DOJ) kung may katotohanan ang napaulat na pagkakasangkot ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa pagtatago ng magkapatid na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at kapatid na si da­ting Coron Mayor Mario Reyes, na sinasabing mga utak sa pamamaslang sa brodkaster na si Doc ­Gerry Ortega noong E­nero 2011.

Inatasan na ni Justice Secretary Leila De Lima   ang Witness Protection Program (WPP)  na beripikahin ang impormasyon na nakalap ng Philippine National Police (PNP)  na nag-uugnay  kay Mercado hinggil sa pakikipag-ugnayan umano nito sa magkapatid habang nagtatago matapos ang nasabing pagpatay.

Gayunman, sinabi ng kalihim na hindi naman aga­ran silang magsasagawa ng parallel investigation  dahil  napaka-sensitibo aniya, ang mga bagay na may kaugnayan sa WPP. Kailangan muna umanong matiyak o maberipika kung totoo.

Una nang nanawagan sina Vice President Jejomar Binay at  Whistleblowers Association of the Philippines sa pangunguna ni Sandra Cam  para imbestigahan ang pagkakadawit ng pangalan ni Mercado sa magkapatid na Reyes na nakakausap nito sa cellphone habang nagtatago, kasabay ng hi­ling na tanggalin na ito sa WPP.

Kabilang sa sinisilip ang pakikipag-komunikasyon gamit ang cellular phone ni Mercado habang nasa kustodiya ng WPP na isa umanong paglabag sa kondisyon.

Iginiit pa ni Cam na may A-1 information siya ukol sa ibinunyag at  sinabi niya rin na kaya magkakilala ang Reyes brothers at si Mercado dahil sila ay magkakasama sa bisyong pagsasabong ng manok.

Nais ni Cam na imbestigahan ng Senate o House of Representatives ang nasabing isyu laban kay Mercado dahil may duda siya na maging impartial ang DOJ.

Si Mercado ay nasa ilalim ng kustodiya ng WPP kaugnay sa pagtestigo nito sa katiwalian na inimbestigahan ng Senado laban kay Binay at sa pamilya nito.

ACIRC ANG CORON MAYOR MARIO REYES DEPARTMENT OF JUSTICE GERRY ORTEGA HOUSE OF REPRESENTATIVES JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA MAKATI VICE MAYOR ERNESTO MERCADO MERCADO NBSP PALAWAN GOVERNOR JOEL REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with