Poe-Trillanes tandem itinutulak ng Magdalo
Poe-Trillanes tandem itinutulak ng Magdalo
Butch M. Quejada (Pang-masa) - October 4, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Itinutulak ng Sama­hang Magdalo ang kanilang suporta sa tambalang Senador Grace Poe sa pagkapresidente at Senador Antonio Trillanes IV sa pagkabise-presidente sa darating na 2016 eleksyon sa ginawang convention noong Sabado.

Ayon kay Magdalo Representative Gary Alejano sa taunang convention ng Magdalo na mahigit walong taon nang nag-simulang manilbihan bilang senador  si Trillanes at marami nang naisakatuparan sa pamamagitan ng kanyang mga batas na naipanukala at mga development project na naipatupad. Naniniwala ang grupo na mas may sapat ng kakayahan si Trillanes para makapagsilbi at makatulong sa mas marami pa nating mga kababayan sa pamamagitan ng mas mataas na katungkulan.

Bukod dito ayon pa kay Alejano sa kanilang isinagawang malawakang konsultasyon sa mga chapter leaders noong mga nakaraang buwan ay si  Poe ang napiling kandidato para sa pagka-presidente na simbolo umano ng pag-asa at pagbabago, at naniniwala na may kakayahang isakatuparan ang mga hangarin at prinsipyo ng grupo.

Kaya ang tambalang Poe-Trillanes ay magkakaroon nang magandang tambalan sa pagsusulong ng pagbabago at pag-unlad sa bansa, dahil na rin sa pagkakatulad ng kanilang mga adbokasiya at plataporma.

“Ito ay isang magandang pagkakataon para maipre­senta muli ang reform agenda ng Magdalo,  at iangat ang tatak ng serbisyo nito sa mas mataas na antas,” ani Trillanes.

Naroon sa nasabing okasyon si Brian Poe Llamanzares, anak ni Sen. Grace, na nagsilbing kinatawan ng mambabatas, at tumanggap sa suportang binibigay ng Magdalo, sa ngalan ng kaniyang ina.

Ang Magdalo ay nagsimula bilang isang grupo ng mga sundalong nagsusulong ng reporma, na naglunsad ng Oakwood Mutiny at Manila Peninsula Siege laban sa rehimeng Arroyo dahil sa laganap na korapsyon sa gobyerno at AFP.

Ang Magdalo ngayon ay isa ng socio-political movement na mayroong mahigit-kumulang na 500,000 na miyembro na nagsusulong ng reporma sa gobyerno at lipunan.

ACIRC ANG ANG MAGDALO BRIAN POE LLAMANZARES MAGDALO MAGDALO REPRESENTATIVE GARY ALEJANO MANILA PENINSULA SIEGE MGA OAKWOOD MUTINY SENADOR ANTONIO TRILLANES TRILLANES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with