DOH chief: Arabo na ipinasok sa RITM namatay sa Mers-Cov
Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 3, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Pumanaw na ang isang Saudi national na ipinasok sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City nang matuklasang positibo sa Middle East Respiratory Syndrome-Coronavirus (MERS-CoV).

Inihayag ni Health Secretary Janette Garin na noong Setyembre 29 nang bawian ng buhay ang hindi pinangalanang banyaga na halos may 3 buwang inobserbahan sa RITM.

Tinututukan na rin sa San Lazaro Hospital sa Maynila ang healtcare workers ang nag-alaga sa nasabing Saudi national.

Negatibo naman sa pagsusuri ang nasa 12 health workers na nag-asikaso sa pasyenteng dayuhan, subalit kinailangang obserbahan at i-quarantine ang mga ito sa San Lazaro Hospital at araw-araw susuriin sa susunod na 14 na araw upang matiyak na hindi nahawahan ng nakamamatay na virus.

Una nang napaulat na isang 36-anyos na lalaking pasyente mula sa Middle East ang dinala sa RITM noong Hulyo 4.

Hindi naman ibinunyag kung kailan dumating sa bansa ang pasyente at kung saang lugar siya tumuloy bago natukoy na positibo siya sa virus.

ANG HEALTH SECRETARY JANETTE GARIN HULYO INIHAYAG MAYNILA MIDDLE EAST MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME-CORONAVIRUS MUNTINLUPA CITY RESEARCH INSTITUTE SAN LAZARO HOSPITAL TROPICAL MEDICINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with