3 pulis-Malabon isinangkot sa pamamaril
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 1, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang tatlong bagitong pulis na iniimbestigahan kaugnayan sa pamamaril sa isang lalaki sa inilatag na operasyon laban sa sugalan sa Malabon City may ilang araw na ang nakalipas. Pinadisarmahan na ni P/Senior Supt. Severino Abad, Jr., hepe ng Malabon City PNP ang tatlong pulis na nakatalaga sa Police Community Precinct 3 na itinago muna ang pagkakakilanlan habang isinasailalim ang imbestigasyon.Ang tatlo ay isinasangkot sa pamamaril sa biktimang si Alexander Medenilla, 32, ng Block 49 Brgy. Longos.

Si Medenilla na nagtamo ng tama ng bala sa batok na tumagos sa kanyang ilong ay nakaratay ngayon sa Tondo Medical Center.

Base sa police record, isinagawa ang operasyon ng pulisya laban sa sugal na kara y cruz sa bisinidad ng Alupihang Dagat Street sa Barangay Longos noong nakaraang Lunes.

Nagtakbuhan naman sa iba’t ibang direksyon ang mga manunugal hanggang sa isang putok ng baril ang umalingawngaw na tumama kay Medenilla.

ALEXANDER MEDENILLA ALUPIHANG DAGAT STREET ANG BARANGAY LONGOS BRGY MALABON CITY POLICE COMMUNITY PRECINCT SENIOR SUPT SEVERINO ABAD SI MEDENILLA TONDO MEDICAL CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with