Acting Makati Mayor kinasuhan sa overpriced cake
(Pang-masa) - September 29, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Nahaharap sa kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act si acting Makati Mayor Kid Peña dahil sa umanoy overpriced na birthday cake.

Makaraang kasuhan si Peña ng dati ring Vice Mayor ng Makati na si Bobby Brillante sa tanggapan ng Ombudsman ng graft kahapon.

Batay sa 27-pahinang complaints affidavit ni Brillante, sinabi nitong may 35 percent na  mas mataas o mahigit P3-milyong overpriced umano ang ipinamimigay ngayong birthday cake ni Peña sa mga senior citizen ng Makati.

Bukod sa reklamo ay nanawagan din ito na agad suspendihin si Pena upang hindi umano nito maimpluwensiyahan ang isasagawang imbestigasyon.

Binigyang diin ni Brillante na  pagkaupo ni Peña bilang acting Mayor ng Makati ay agad  sinuspinde nito ang kontrata sa dating supplier ng cake na Timstate Food and Beverage Corporation/Bakerite Foods.

Pinaboran umano ni Peña ang Goldilocks Incorporated para sa P8.6-million cake supply hanggang December 31, 2015 nang hindi dumaan sa public bidding. 

Iginiit ni Brillante na  nilabag din ni Peña ang Section 18 at Section 65 ng Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act kayat dapat itong isailalim sa preventive suspension ng tanggapan ng Ombudsman.

Handa namang harapin ng kampo ni Peña ang kasong isinampa ni Brillante dahil sa walang  basehan at pawang paninira lang sa reputasyon nito.

Nakakatiyak umano silang maibabasura ang kaso dahil sa  kawalan ng sapat na  basehan  para suportahan ito.-Angie dela Cruz, Lordeth Bonilla

ANG ATILDE BAKERITE FOODS BOBBY BRILLANTE GOLDILOCKS INCORPORATED GOVERNMENT PROCUREMENT REFORM ACT LORDETH BONILLA MAKATI MAKATI MAYOR KID PE NBSP PLUSMN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with