_pang-masa
^

3 nagpakilalang Army, tiklo

Danilo Garcia (Pang-masa) - September 27, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong lalaki na nagpakilalang miyembro ng Philippine Army makaraang makumpiskan ng dalawang baril sa loob ng KTV bar sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga dinakip na sina Lawrence Paulo Mercado, 30, ng Brgy. Tañong, Malabon; Gerardo Francisco Mercado, 29; at si Jose Miguel Antonio Mercado, 23, kapwa nakatira sa Marcelo Street, Barangay Baritan, Malabon City.

Sa tatlo, tanging si Juan Miguel Antonio ang nakumpirma na enlisted personnel ng Philippine Army.

Base sa ulat ng pulis­ya, dakong alas-5:30 ng umaga nang rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 6 sa bisinidad ng Estrella Street sa Brgy. Tañong dahil sa presensya ng mga armadong lalaki na umiinom sa Bitoy KTV Bar.

Nang puntahan ng mga pulis, unang nakumpiska kay Lawrence ang isang improvised shotgun.

Pumagitna naman sina Jose Miguel at Gerardo na nagpakilalang mga tauhan ng Phil. Army.

Sa kabila nito, ina­resto rin ang dalawa kung saan nasamsam naman kay Jose Miguel ang isang cal .45 pistol at isang magazine na may 7-bala.

Samantala, isang patalim naman ang nasamsam kay Gerardo at isang bala ng cal. 45 pistol.

Nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions) ang mga suspek na walang maipakitang papeles sa mga baril.

ACIRC ANG ATILDE BARANGAY BARITAN BRGY ESTRELLA STREET GERARDO JOSE MIGUEL MALABON CITY MGA PHILIPPINE ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with