^

Police Metro

Pulis, 14 pa tiklo sa drug dens raid

Joy Cantos at Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga operatiba ng PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force ang 15 katao kabilang ang isang pulis sa isinagawang serye ng pagsalakay sa  12 drug dens sa Brgy. West Crame, San Juan City kahapon ng umaga.

Ang inarestong parak ay kinilalang si PO2 Ronaldo Baltazar, nakatalaga sa Headquarters Support Service ng PNP.

Ayon kay PNP-AIDSOTF Chief P/Sr. Supt. Antonio Gardiola  ang serye ng raid ay bunga ng isang buwang ‘case build-up operation’ at epektibong pakikiisa ng komunidad sa PNP upang malansag  ang operasyon ng droga sa mga barangay.

Sinabi nito na target ng PNP-AIDSOTF  na malipol ang operasyon ng illegal na droga sa mga barangay sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Anti-Illegal Drugs Act.

ANG

ANTONIO GARDIOLA

CHIEF P

DRUGS ACT

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

HEADQUARTERS SUPPORT SERVICE

REPUBLIC ACT

RONALDO BALTAZAR

SAN JUAN CITY

SR. SUPT

WEST CRAME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with