Suspek sa Ortega murder: Reyes brothers, timbog sa Thailand

(Pang-masa) - September 21, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Nadakip sa Thailand ang magkapatid na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes na itinuturong utak sa pamamaslang sa brodkaster at environmentalist na si Gerry Ortega noong 2011.

Kinumpirma mismo sa Palasyo ni Justice Sec. Leila de Lima ang pagkakahuli sa Reyes brothers sa Phuket, Thailand ng Interpol.

Sinabi ni Presidential Communications Ope­ration Office Secretary Sonny Coloma na dapat lamang papurihan ang Interpol dahil natapos na rin ang mahabang paghahanap sa magkapatid na Reyes.

Kinumpirma ng anak ni Ortega na si Mica ang pagkakaaresto sa magkapatid na Reyes sa pamamagitan ng CIDG-Task Force Tugis at dadal­hin na lang sa Pilipinas.

Ayon naman kay Rolando Bunuan, dating information officer ng magkapatid, naaresto ang dalawa hindi dahil sa kinakaharap na kaso sa Pilipinas kundi dahil overstaying na ang mga ito sa Thailand.

Inaasikaso na ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang nakaambang deportation ng magkapatid.

Magugunita na noong Enero 2011 nang pasla­ngin si Ortega habang nasa isang ukay-ukay sa barangay San Pedro.

ACIRC ANG CORON MAYOR MARIO REYES DEPARTMENT OF JUSTICE GERRY ORTEGA JUSTICE SEC KINUMPIRMA MIMAROPA OFFICE SECRETARY SONNY COLOMA ORTEGA PALAWAN GOVERNOR JOEL REYES REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with