^

Police Metro

Hapones, MILF opisyal timbog sa shabu buy bust

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Japanese national ang dinakip matapos na pagbilhan nito ng 2 gramo ng shabu ang isang police poseur-buyer sa isinagawang buy-bust operation kahapon sa Mandaluyong City.

Hindi na nakapalag nang arestuhin ang suspek na si Masaki Hashimoto, 43, ng 6F Carlton lll, California Square, Libertad St., Barangay Highway Hills nang mga nakapaligid na mga pulis.

Bago ang pag-aresto sa suspek ay nakatanggap ng sumbong ang mga otoridad na ito ay nagbebenta ng illegal drugs kaya’t isinagawa ang buy bust operation dakong alas-11:30 ng umaga.

Nang tanggapin ng suspek ang P1,000 marked  money sa poseur buyer ay dito na ito inaresto.

Naaresto rin ng mga otoridad kamakalawa ng gabi sa isang drug buy bust operation ang isang deputy inspector ng MILF na si Mutin Tansay at kasamang karpintero na si Daniel Balmes Belotillo sa Barangay Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat.

Narekober sa mga suspek ang 2.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P22,500 at isang motorsilo na tampered ang makina na posibleng kinarnap.-Non Alquitran, Rhoderick Beñez

ANG

BARANGAY HIGHWAY HILLS

BARANGAY KALAWAG

CALIFORNIA SQUARE

DANIEL BALMES BELOTILLO

ISANG JAPANESE

LIBERTAD ST.

MANDALUYONG CITY

MASAKI HASHIMOTO

MUTIN TANSAY

NON ALQUITRAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with