Mister todas, misis sugatan sa 3 magnanakaw
Joy Cantos (Pang-masa) - August 29, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 67-anyos na lalaking negosyante habang malubha namang nasugatan ang misis nito nang sila ay pagsasaksakin matapos manlaban sa tatlong magnanakaw kabilang ang kanilang helper naganap kamakalawa sa Brgy. Pob­lacion, Binalonan, Pangasinan.

Ang nasawi ay kinila­lang si Ambrosio Romero, na nagtamo ng mga tama ng ice pick sa iba’t ibang bahagi ng katawan bukod pa sa mga palo ng tubo sa ulo.

Nilalapatan ng lunas sa Urdaneta City District Hospital ang misis nitong si Teresita Romero, 65, nagtamo rin ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na sa leeg.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong ala-1:30 ng hapon ay isasara na ng mag-asawa ang kanilang tindahan na Patrol Poultry Supply nang dumating ang mga suspek kasama ang helper nilang si Redentor Pallalos, 29 at nagpanggap na mga kustomer para  bumili ng  herbicides.

Nang iniaabot ni Te­­resita ang binibiling pro­dukto ay agad na siya ay sinaksak ng ice pick ng isa sa mga suspek na nakita ng mister kaya’t ito ay sumaklolo.

Subalit pinagsasaksak din ito at nang bumagsak ay pinaghahampas pa ng bakal na tubo sa ulo ng mga kawatan ang matandang lalaki na siya nitong agarang ikinamatay.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek tangay ang P 70,000 na pinagbentahan ng mag-asawa sa kanilang mga paninda.

Naaresto si Pallalos sa kanilang bahay habang tinutugis ang mga kasama.

 

ACIRC AMBROSIO ROMERO ANG BATAY BINALONAN BRGY MGA PATROL POULTRY SUPPLY REDENTOR PALLALOS TERESITA ROMERO URDANETA CITY DISTRICT HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with