^

Police Metro

40 nalason sa paksiw na manok at baboy

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naratay sa pagamutan ang nasa 40 katao matapos na malason sa iniulam na paksiw na manok at baboy sa pa­nanghalian sa isinagawang medical mission ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur.

Sa ulat, nagsagawa ng medical mission sa Brgy. Banga, Tinamba, Camarines Sur  na ini-host ng mga local go­vernment units (LGUs), Brgy. Council sa lugar noong Biyernes na libre ang pananghalian at ang ipinaulam sa mga ito ay paksiw na baboy at manok.

Dahilan marami ang natirang ulam ay iniuwi ito ng mga residente sa lugar at iniulam nitong Sabado at Linggo.

Ilang oras pa matapos makain ang nasabing natirang ulam ay dumanas ng matinding pana­nakit ng tiyan, pagsusuka, pananakit ng ulo at grabeng diarrhea ang mga residente bunsod upang isugod ang mga ito sa pagamutan.

Kasalukuyan pang hinihintay ang kumpirmasyon sa test ng Provincial Health Office upang madetermina ang sanhi ng pagkalason ng mga biktima.

ACIRC

ANG

BIYERNES

BRGY

CAMARINES SUR

DAHILAN

ILANG

KASALUKUYAN

LINGGO

MGA

PROVINCIAL HEALTH OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with