Iba’t ibang produkto hanap ng Aliwan fiesta bazaar
(Pang-masa) - March 29, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Magkakaroon muli nang malakihang Shoppers Bazaar sa harap ng tanggapan ng Manila Broadcasting Company at Star City sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City, kaugnay ng 2015 Aliwan Fiesta na gaganapin mula ika-23 hanggang ika-25 ng Abril. 

Isa itong magandang pagkakataon upang maglahad ng kakaibang paninda galing sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas na inaabangan ng mga taga-Maynila at mga turistang dayuhan ang taunang pagtatanghal ng Aliwan Fiesta simula pa noong 2003.

Ang Aliwan Fiesta ay ang pinakamalaking pagsasama ng mga kapistahan sa buong Pilipinas, sa ilalim ng patnubay ng Cultural Center of the Philippines.Kaya naman dinadayo ng mga mamimili ang kakaibang tiangge ng mga produktong sariling atin - mula pananamit, gamit sa bahay, alahas, at higit sa lahat, mga kakanin at lutong-bahay ng mga putaheng galing sa mga lalawigan.Ang mga interesadong magkaroon ng puwesto sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaring makipag-ugnayan kay Teray Rivas sa telepono bilang 832-3249/0917-865-8699/0923-650-1434.

 

ALIWAN FIESTA ALIWAN FIESTA SHOPPERS BAZAAR ANG ALIWAN FIESTA CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES MANILA BROADCASTING COMPANY MGA PASAY CITY PILIPINAS ROXAS BOULEVARD SHOPPERS BAZAAR STAR CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with