Nagtanggol sa nanay, pinatay
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - March 17, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang anak ang napatay sa saksak nang ipagtanggol nito ang nanay na inaaway ng dalawang suspek kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Reynaldo Masaring, 33, ng 89 Adelfa St., Brgy. Culiat sa lungsod.

Nadakip agad ang mga suspek na kinilalang sina Jimmy Retubis Jr., at Noel Domingo, 35.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 sa Vargas compound ay nakarinig ng komosyon ang isang Ronnie Rodrigo kaya’t lumabas para malaman hanggang sa makita niya ang biktima at suspek na si Retubis na nagsusuntukan.

Sa pagsusuntukan ay nagawang mahawakan ni Retubis ang leeg ng biktima, hanggang sa tumulong si Domingo at sinaksak ng dalawang beses sa katawan, saka sila nagsipagtakbuhan patakas.

Nabatid na bago ang suntukan ay kinompronta ng biktima ang mga suspek nang mabalitaan ng una na inaway ang kanyang nanay.

ADELFA ST. BATAY BRGY CULIAT JIMMY RETUBIS JR. NOEL DOMINGO QUEZON CITY RETUBIS REYNALDO MASARING RONNIE RODRIGO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with