Patay na sanggol iniwan sa footbridge
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - March 12, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang patay na sanggol na nakabalot sa sako ang natagpuan sa isang footbridge sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Walang nakita na anumang sugat sa katawan ng sanggol na nasa pagitan ng 7-8 buwang gulang na natagpuan sa footbridge sa kahabaan ng Luzon Avenue, kanto ng Commonwealth Avenue, Brgy. Culiat.

Batay sa ulat, dakong alas-10:40 ng gabi nang makita ng mga kabataan na naglalakad sa footbridge ang isang sako na pinagmumulan ng masangsang na amoy.

Agad na ipinagbigay alam sa barangay na nagtungo sa lugar at nang buksan ang sako ay nakita ang patay na sanggol nakabalot ng telang brown.

Nabatid na tatlong araw nang nakikita ang sako na nakatambak sa nasabing footbridge na hindi pinapansin ng mga nagdaraan sa pag-aakalang basura lamang ang laman nito hanggang sa umalingasaw ang mabahong amoy nito.

BATAY BRGY COMMONWEALTH AVENUE CULIAT FOOTBRIDGE ISANG LUZON AVENUE NABATID QUEZON CITY WALANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with