Paglibre sa tax ni Pacman, tinutulan
MANILA, Philippines – Hindi umano makita ni House Speaker Feliciano Belmonte ang lohika kung bakit kailangang bigyan ng tax exemption si Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao na pinakamayamang miyembro ng Kamara sa kikitain nito sa laban kay Floyd Mayweather sa Mayo 2.
Para naman kay kay Cibac partylist Rep. Sherwin Tugna, unconstitutional kung bibigyan ng tax exemption ang kongresista sa kabila ng pagbibigay nito ng karangalan sa bansa dahil maituturing itong diskriminasyon sa ibang boksingero.
Sa laban nito kay Mayweather ay sinasabing maaaring kumita si Pacquiao ng $80 milyon dolyar na mas mababa sa kikitain ni Mayweather.
Matatandaan na nagpahayag ng suporta sina Ako Bicol partylist Reps. Christopher Co at Rodel Batocabe sa panukala ni Senator Koko Pimentel ng special tax incentive na umanoy isang “fitting tribute “.
- Latest