_pang-masa
^

Police Metro

3 bala ibinaon sa ulo... jail guard dinedo sa condo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sabog ang ulo ng isang jail guard ng Bureau of Correction (Bucor) matapos na barilin ng tatlong beses sa loob ng isang condominium unit na pag-aari ng isang abogado kahapon ng madaling araw sa Malate, Maynila.

Ang biktima na natagpuang patay ay kinilalang si JO1 Tristan Cultivo, 31, residente ng No. 155 Posadas Village, Sucat, Muntinlupa City.

Lumalabas sa im­bestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:30 ng mada­ling araw nang matagpuang patay ang biktima sa Room 2503 ng  Burgundy Condominuim na matatagpuan sa 2442 Taft Ave., Malate, Maynila.

Nabatid na ang nasabing condominium unit ay pag-aari ng isang Atty.  Vladimir Bungaring, 36 na huling nakita na umalis sa lugar dakong alas-11:00  ng gabi.

Palaisipan sa  pulis­ya  kung ano ang ginagawa ng  biktima sa  condo unit ng abogado.

Patuloy ang imbestigasyo kung may kinalaman ang abogado sa insidente na pinaghahanap ng pulisya.

BUREAU OF CORRECTION BURGUNDY CONDOMINUIM MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION MAYNILA MUNTINLUPA CITY POSADAS VILLAGE TAFT AVE TRISTAN CULTIVO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with