^

Inaway ang nanay, patay sa tiyuhin

Danilo Garcia (Pang-masa) - December 31, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang 45-anyos na lalaki nang ito ay saksakin ng kanyang tiyuhin dahil sa ginawa nitong pang-aaway sa ina noong Linggo ng gabi sa Navotas City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Jojito Balatan, 45, ng no. 192 R. Domingo St., Brgy. Tangos  ng lungsod.

Samantala, ang suspek na kinasuhan ng homicide at nasugatan din ay nakikilalang si Enrico Dino, ng Brgy. Tangos.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng gabi noong Linggo ay sinugod ng biktimang si Balatan ang bahay nina Dino at nagsisigaw at minura ang kanyang ina na natutulog na.

Inawat ni Dino ang pamangkin ngunit siya ang pinagbalingan at pinagsasaksak na nagawa namang maagaw at inundayan rin ng saksak ang pamangkin.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng away.

BALATAN BATAY BRGY DINO DOMINGO ST. ENRICO DINO JOJITO BALATAN LINGGO NAVOTAS CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with