Pope Francis makikipagkita kay P-Noy

Ludy Bermudo (Pang-masa) - December 30, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng courtesy call  sa Palasyo ng Ma­lakanyang si Pope Francis sa pagdating niya sa Pilipinas sa Enero 15.

Ayon kay Bishop Mylo Vergara, ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP)  Committee on Information and Media,  na maituturing na state visit din ang papal visit ni Pope Francis dahil siya ay head of state dahil sa pagi­ging pinuno ng Vatican City state, kaya’t marapat lamang na magkaroon ng courtesy call sa Malakanyang.

Inaasahang sa ikalawang araw ng Santo Papa ang courtesy call, dakong alas 9:00 ng umaga.

Kasama ang kaniyang delegasyon ay makiki­pagkita ang Santo Papa kay Pangulong Benigno S. Aquino III.

Aawitin din ang  pambansang awit ng Roma bukod sa Lupang Hinirang kasabay ng pagtataas ng watawat.

AAWITIN AQUINO BISHOP MYLO VERGARA CATHOLIC BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINES INFORMATION AND MEDIA LUPANG HINIRANG PANGULONG BENIGNO S POPE FRANCIS SANTO PAPA VATICAN CITY
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with