7 pulis-Maynila kinasuhan ng pagpatay sa inarestong pedicab driver
Ludy Bermudo (Pang-masa) - December 12, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng homicide sa Manila Prosecutor’s Office ang  pitong miyembro ng Manila Police District (MPD)-Station 10 na pinamumunuan ni P/Supt. Froilan Uy kaugnay sa pagkakabaril sa isang pedicab driver na si Russel Biligan, 36-anyos na ina­resto nila sa isang tupada noong Disyembre 7 sa Plaza Guwapo, Kahilum II, Pandacan, Maynila.

Ang pitong pulis ay kinilalang sina C/Insp. Dennis Gimena, PO3 Shiela Tadlas, PO3 Reynaldo Felipe, PO2  Orville Resuello, PO2 Nino Anthony Alfonso, PO1 Rod Moralidad at PO1 Darwin Morales.

Nabatid na ang biktima ay isa sa subject umano ng anti-criminality operation ng mga tauhan ni Uy, na isinagawa alas-9:00 ng umaga noong nakalipas na Disyembre 7.

Sa kasagsagan umano ng sabong at tumataya ang biktima na walang damit pang-itaas ay dumating ang mga pulis na nag-warning shot umano ng dalawang beses at maya-maya ay hawak na ang biktima ng isa sa mga pulis.

Nagulat na lamang ang mga tao nang makarinig muli ng putok at nakitang duguan na bumagsak ang biktima na nagtamo ng  tama ng bala mula sa service firearm ng isa sa ope­ratiba.

Sa halip umano na dal­­hin sa ospital ay iniwan itong duguan kaya’t ang ka live in nito at isang residente ang nagdala sa Manila Doctor’s Hospital at alas-10:30 ng umaga ay idineklarang patay na ang biktima dahil sa tama ng bala sa dibdib.

Posibleng maharap sa kasong administratibo ang mga pulis at masibak naman ang hepe nila na si P/Supt. Froilan Uy  alinsunod sa ‘command responsibility”.

 

DARWIN MORALES DENNIS GIMENA DISYEMBRE FROILAN UY MANILA DOCTOR MANILA POLICE DISTRICT MANILA PROSECUTOR NINO ANTHONY ALFONSO ORVILLE RESUELLO
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with