Mister na nakataas ang mga kamay binaril ng pulis, patay
Ludy Bermudo (Pang-masa) - December 8, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - ‘Nakataas na ang dalawang kamay ng mister ko, ibig sabihin ay suko na, pero binaril pa rin siya ng pulis’.

Ito ang inihayag ni Gng. Rochelle Biligan sa  MPD-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS)  para ireklamo ang tauhan ng MPD-station 10 na pinamumunuan ni P/Supt. Froilan Uy.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Manila Doctor’s Hospital ay kinilalang si Russel Biligan, 36, pedicab driver at residente ng Kahilum II, Pandacan, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga nang isugod ang biktima sa nasabing pagamutan matapos na ito ay barilin ng mga pulis na nagsagawa ng criminal campaign sa loob ng isang hindi pa tinukoy na sabungan sa Pandacan, Maynila

Sinabi ng ginang na walang damit na pang-itaas ang kaniyang mister nang habulin umano ng mga pulis kaugnay sa iligal na droga at habang nakataas na ang mga kamay ay nagawa pa  umanong barilin ito.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang MPD-Homicide Section sa naganap na pamamaril ng kanilang kabaro.

 

BATAY FROILAN UY GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION GNG HOMICIDE SECTION MANILA DOCTOR MAYNILA PANDACAN ROCHELLE BILIGAN RUSSEL BILIGAN
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with