^

Police Metro

Bangkay ng 3 Pinoy sa Bering sea mishap, narekober na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong bangkay ng mangingisdang Pinoy ang narekober  kasunod ng paglubog ng South Korean ship sa Bering Sea noong Disyembre 1.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, nakarekober muli ng  mga katawan ang search and rescue team kaya umakyat sa tatlo ang Pinoy na nasasawi sa paglubog ng Oriong-501 trawler habang pinaghahanap pa ng pitong Pinoy na nawawala.

Unang kinilala ang dalawang narekober na bangkay ng Pinoy na sina  Jessie Londres, 25 at Arnel Navales matapos kilalanin ng kanilang ahensiya na Falcon Shipping habang patuloy pang hinahanap ang 10 pang Pinoy  crew na lulan ng Oriong-501.

Tumanggi si Jose na ihayag ang pangalan ng panghuling narekober na Pinoy habang ipinaalam pa umano sa kanilang kaanak ang sinapit nito.- Ellen Fernando-

ARNEL NAVALES

AYON

BERING SEA

ELLEN FERNANDO

FALCON SHIPPING

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN CHARLES JOSE

JESSIE LONDRES

ORIONG

PINOY

SOUTH KOREAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with