Mata ng lalaki tinusok ng icepick ng holdaper
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 7, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa halip sa katawan ay sa kaliwang mata sinaksak ang isang lalaki ng isa sa tatlong holdaper sa loob ng pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang biktima na inoobserbahan sa Pagamutan Lungsod ng Malabon dahil sa tinamong tama ng saksak sa kaliwang mata at matinding bugbog ay nakila­lang si John Efren Angel, 21-anyos, ng Brgy. Tinajeros, ng naturang lungsod.

Agad namang nadakip ang tatlong suspek na sina Angelo Caparas, 26; Rolly Ramos, 30; at Gelo Kwan, 21, pawang mga residente ng MH Del Pilar St., Brgy. Maysilo, Malabon.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi ay kasakay ng biktima ang tatlong suspek sa pampasaherong jeep nang walang sabi-sabing pagtulungang gulpihin.

Hindi pa nasiyahan ay nagbunot ng icepick si Ramos at sinaksak ang kaliwang mata ng biktima.

Tinangay ng mga suspek ang pitaka, relo at dalawang cellular phone ng biktima bago tumakas.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad at nadakip ang mga suspek na kinasuhan ng robbery hold-up at frustrated murder.

 

ANGELO CAPARAS BRGY DEL PILAR ST. GELO KWAN JOHN EFREN ANGEL MALABON MALABON CITY PAGAMUTAN LUNGSOD ROLLY RAMOS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with