LRT nagbigay ng libreng sakay sa mga senior citizens
(Pang-masa) - October 5, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagbigay ng libreng sakay kahapon ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) sa mga senior citizen bilang selebrasyon ng Elderly Filipino Week na labis ikinatuwa at ipinagpapa­salamat ng mga ito.

Tinatayang daang se­nior citizen ang naki­nabang sa libreng sakay ng LRT-1 at 2 na isinagawa simula alas-5:00 ng umaga hanggang sa pagtatapos ng revenue service.

Kinailangan lamang ng mga matatanda na magpakita ng senior citizen’s ID sa mga guwardiya sa istasyon ng tren upang makasakay ng  libre. -Mer Layson-

 

CITIZEN ELDERLY FILIPINO WEEK KINAILANGAN LIGHT RAIL TRANSIT MER LAYSON NAGBIGAY SHY TINATAYANG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with