_pang-masa
^

Pulis-Maynila inireklamo ng hulidap

(Pang-masa) - September 28, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi pa nga sumusuko ang 8 pulis-Maynila na nakatalaga sa Anti-Carnapping Unit ng MPD na inireklamo ng hulidap ng isang negosyanteng Pakistani national ay isa na namang pulis ng Manila Police District (MPD) ang inireklamo rin ng hulidap ng isang 56-anyos na negosyante.

Sa inihaing reklamo ng biktimang si Edgardo Sy, ng Grace Park, Caloocan City  laban kay  PO1 Marlon San Diego, nakatalaga sa MPD-Station 11 na kinuha umano ng pulis ang P1,700 cash sa kanyang bulsa at inutusan pa na mag-withdraw sa ATM naganap kahapon ng alas-2:00 ng madaling araw  sa  Escolta St. Binondo, Maynila.

Ayon sa biktima na siya ay sinita ni PO1 San Diego nang makita na wala siyang suot na helmet habang nagmomotorsiklo at kinotongan ng nasabing halaga.

Ayon naman kay C/Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD-GAIS, na aalamin nila kung may katotohanan ang alegasyon sa pamamagitan ng komprontasyon sa Lunes.-Ludy Bermudo-

 

ANTI-CARNAPPING UNIT ARSENIO RIPARIP AYON CALOOCAN CITY EDGARDO SY ESCOLTA ST. BINONDO GRACE PARK LUDY BERMUDO MANILA POLICE DISTRICT MARLON SAN DIEGO MAYNILA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with