101-anyos na lola tigok sa sunog
Joy Cantos (Pang-masa) - September 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang 101 taong gulang na lola nang  makulong ito ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa St. Michael Road, Brgy. Kasambagan, Cebu City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Juanita Arcaya, na halos nagmistulang uling na ang katawan ng marekober ng mga bumberong nagresponde sa lugar.

Naganap  ang insidente dakong alas-10 ng umaga kung saan nagulat na lang ang mga kapit-bahay ng biktima na nilalamon na ng apoy at makapal na usok ang bahay nito na umano’y posibleng nakatulog habang nagsisigarilyo ng tabako kaya hindi na nakalabas ng bahay bukod pa sa mabagal na itong kumilos.

Ayon kay Redney Palompon, apo ng biktima, bumili umano siya ng pagkain  na pansamantalang iniwan ang kaniyang lola ng maganap ang insidente.

Naapula naman ang apoy matapos na magresponde ang mga bumbero pasado alas-11 ng umaga.

AYON BRGY CEBU CITY JUANITA ARCAYA KASAMBAGAN KINILALA NAAPULA NAGANAP REDNEY PALOMPON ST. MICHAEL ROAD
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with